paroles de chanson / Wish 107.5 parole / Betsin lyrics  | ENin English

Paroles de Betsin

Interprètes Wish 107.5Anthony Meneses

Paroles de la chanson Betsin par Wish 107.5 lyrics officiel

Betsin est une chanson en Tagalog

Oh gabi na naman simula na'ng inuman
Sa lugar na pinag-usapan at plinanong kababuyan
Inimbita ang biktima at napa-oo na siya
Ang ngitian nila ay lagpas-tenga na yeah
Whoa

Lumapag ang anghel ginampanan kanyang papel
Ang tagay na sunod-sunod at mga simpleng haplos
Hindi ka ba napapagod sa mga hagod
At nalulunod sa mga mapanlinlang nilang mga salita
Tatlong oras ang nakalipas
At walang kaalam-alam at pinagmamasdan ka na
Dumidilim ang paligid aking naririnig
Ang bawat tindig ng mga himig

May pumapatak sa baso ng anghel na pumipiglas
Bawat higop katumbas ay isang bigwas
Pinapaikot ka sa laro na 'kala mo may pinto palabas
Tila namamanhid ang katawan mga demonyo nag-aagawan sa laman
Nakikiusap na 'wag muna maglaro at nabebetsinan ka na
Whoa

Umalis isa-isa at nilunok mo bawat pakla
Hihingi ba ng saklolo dahil baka wala lang maniwala
Gumising ka nang mag-isa kagabi kayo ay lima
Nawalan nang tuluyan sa kasalukuyan
'Di na maiwasan 'di pa makalaban

Tatlong oras nakalipas
At walang kaalam-alam at ika'y nabetsin na pala
Dumidilim ang paligid aking naririnig
Ang bawat tindig ng mga himig

May pumapatak sa baso ng anghel na pumipiglas
Bawat higop katumbas ay isang bigwas
Pinapaikot ka sa laro na 'kala mo may pinto palabas
Tila namamanhid ang katawan mga demonyo nag-aagawan sa laman
Nakikiusap na 'wag muna maglaro (at nabebetsinan ka na)

Sa kinakadulu-duluhan ng iyong kapangyarihan
Bakit 'di mo maisipan maalagaan
Ang tao na walang kalaban-laban sa lima
Ngunit pinilit niyo pa rin isa-isa kahit gustong kumawala
Wala na bang awa o kahit konting pakitang-tao sa kapuwa
Masaya ka na bang nakasira ka na nakawasak ka na ng buhay
At dito sa alay panay pa rin tulo ng laway
At nag-away-away kung pa'no ka ba ibabaon sa hukay

Whoa (pinapaikot ka sa laro na 'kala mo may pinto palabas wala)
Tila namamanhid ang katawan mga demonyo nag-aagawan sa laman
Nakikiusap na 'wag muna maglaro at nabebetsinan

Ang anghel na pumipiglas
Bawat higop katumbas ay isang bigwas
Pinapaikot ka sa laro na akala mo may pinto whoa (pinapaikot ka sa laro)
Tila namamanhid ang katawan mga demonyo nag-aagawan sa laman
Nakikiusap na 'wag muna maglaro at nabebetsinan ka na
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Betsin

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à gauche de l'horloge
2| symbole en haut de la croix
3| symbole à droite du casque
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid