paroles de chanson / Sharon Cuneta parole / Pasan Ko Ang Daigdig lyrics  | ENin English

Paroles de Pasan Ko Ang Daigdig

Interprète Sharon Cuneta

Paroles de la chanson Pasan Ko Ang Daigdig par Sharon Cuneta lyrics officiel

Pasan Ko Ang Daigdig est une chanson en Tagalog

Kay tagal ko nang hindi lumuluha
Paghihirap ko'y naitago sa madla
Ngiting likas na bunga ng sigla at tuwa
Ngayo'y bala't kayo na lang kaya

Mabuti pang sanggol na hindi pa makapagsalita
Damdamin niya'y naipadarama
Parinig lang kanyang uha
Wala pa siyang lumipas na dapat ikahiya
O alaalang pagmumulan ng pangungutya

Nagdaan sa buhay kong mga araw
At katanyagan ang kapalarang nakamtan
Ngunit di malimot sa anumang 'karaan
Damdaming sinikil ng kaytagal

Luha ko'y hahayaang dumaloy na muli
Hanggang di napapawi sa puso kong hapdi
Sa labi ko'y mamamasdan ngiting di masilayan
Habang puso ko'y bihag pa ng karimlan

Dasal ko'y maranasan kung paano magmahal
Ng may pagtitiwala sa Diyos na Maykapal
At dahil Siya ang may likha ng buhay at pag-ibig
Sa Kanya pauubaya pasan ko'ng daigdig

Luha ko'y hahayaang dumaloy na muli
Hanggang di napapawi sa puso kong hapdi
Sa labi ko'y mamamasdan ngiting di masilayan
Habang puso ko'y bihag pa ng karimlan

Dasal ko'y maranasan kung paano magmahal
Ng may pagtitiwala sa Diyos na Maykapal
At dahil Siya ang may likha ng buhay at pag-ibig
Sa Kanya pauubaya pasan ko'ng daigdig
Sa Kanya pauubaya pasan ko'ng daigdig
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Pasan Ko Ang Daigdig

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à gauche de la croix
2| symbole à gauche de la cible
3| symbole à droite de l'appareil photo
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid