paroles de chanson / Shanti Dope parole / Lutang lyrics  | ENin English

Paroles de Lutang

Interprètes Shanti DopeBuddahbeadsEjacBry MnznoLester "Klumcee" Vaño

Paroles de la chanson Lutang par Shanti Dope lyrics officiel

Lutang est une chanson en Tagalog

Alam mo na marami sa paligid
Walang iba naging hilig
Ikaw lang talaga (ikaw lang talaga)
Tumatakbo sa pinatama mong pag ibig
Halimuyak mo at himig
Wag sana mawala (wag ka sana mawala)

Nagising sa mahabang panaginip
Ilusyon na malimit ang s'atin namagitan (may saya at kalungkutan)
May bugtong sa mundo parang ang sarap sumirit
Nang malaman ang pag ibig ikaw pala ang kulang (iniwang nakalutang)

Alam mo bang wala ng iba pa maliban sayo
Handa 'kong iwan ang lahat panandalian man 'to
Ipagpaliban ang takbo't iwan ang dating ako
Nang mabuo at maging satin ang nasirang mundo
Minsan nasa pagitan man natin ang kasalanan
Ay hindi napapansin ng dahil din sa kalayaan
Kahit di ko na kailangan bakit di ko maiwasan
Lalo't galing sa langit at hain ka ng kalikasan
Hinintay binigay hinimay na para satin
Namagitan na naging gabay sa isip at damdamin
Di na bago sa tingin kung masama ka sa marami
Sa matang nakapiring na mas maraming sabi sabi
Sa'n man galing ang galit nila wag mong katatakutan
Anuman ang satin sagot kita't pananagutan
Habang buhay ang pag ibig na bitbit
Hanggang hukay hanggang sa tuluyan na tayong makaidlip
Tandaan mo lang

Alam mo na marami sa paligid
Walang iba naging hilig
Ikaw lang talaga (ikaw lang talaga)
Tumatakbo sa pinatama mong pag ibig
Halimuyak mo at himig
Wag sana mawala (wag ka sana mawala)

Mga matang magsasarado ang gumising sa diwang
Pinahayong makasilip ka sa bukas sa ngayon ay managinip ka
Sa kalmado kong isipan nadama ang kalikasan ang awiting nakahango
Sa pahayag ng posibleng kaligtasan ay malawak pero bat sumisid ka
Buhay natin panaginip ngunit ang
Tadhana ay reyalidad na magdidikta managinip pa
Sinalubong ko ang alon at sa paghampas nito ang mga panibagong hamon
Suliraning lumalamon alaala ng kahapon
Inisip ko na nga nun na hindi ako bumangon
Sa mahaba kong pagtulog bigla kong nagising
At ang bawat pangyayari ay minimithing hiling
Di sa gusto kong takasan ang mundong mapaglaro
O magkulong sa ilusyon ng sarili kong mundong nananaginip

Alam mo na marami sa paligid
Walang iba naging hilig
Ikaw lang talaga (ikaw lang talaga)
Tumatakbo sa pinatama mong pag ibig
Halimuyak mo at himig
Wag sana mawala (wag ka sana mawala)

Hindi pa ko sigurado kung ganito parin tayo sa huli
Pero sayo ko na gusto umuwi
Ngumiti ka lang parang wala ng ibang kelangan
Pa bukod sa marating ‘yong katuparan kalawakan ng kasama ka
Sa mga gabing nakikita kang nakatawa para
Sakin ang lapit ng pag asa makatakas sa mundo na parang sa ating
Dalawa lang nakamata sana pareho
Tayo ng nadarama wag mo mamasamain (ugh)
Alam mo na sana sa dami ng mga
Gabing naaakay mo ko sa tableta na pampakilig sa sistema
Kasama ka lumipat ng plane ta kasan ang realidad nating mas iniisip
Trabaho't bayaring kinakalimutan ng pilit
Kada lutang natin ang sabi mo iwan ko sa gilid yan
Dahil sayo nalaman kong droga din ang pag ibig
Kasi nga

Alam mo na marami sa paligid
Walang iba naging hilig
Ikaw lang talaga (ikaw lang talaga)
Tumatakbo sa pinatama mong pag-ibig
Halimuyak mo at himig
Wag sana mawala (wag ka sana mawala)
Nagising sa mahabang panaginip
Ilusyon na malimit ang s'atin namagitan (may saya at kalungkutan)
May bugtong sa mundo parang ang sarap sumirit nung malaman ang pag ibig
Ikaw pala ang kulang (iniwang nakalutang)
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Lutang

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole en haut du pouce en l'air
2| symbole à gauche du smiley
3| symbole à gauche de l'enveloppe
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid