paroles de chanson / Quest parole / Bagong Yugto lyrics  | ENin English

Paroles de Bagong Yugto

Interprètes QuestElai

Paroles de la chanson Bagong Yugto par Quest lyrics officiel

Bagong Yugto est une chanson en Tagalog

Humingang malalim
Simula na ng panibagong taon
Tumingala sa langit
Pasasalamat sa bagong pagkakataon

Damhin ang hangin oh
Biyayang madalas 'di napapansin
Isang panalangin
Paghandaan ang bukas na paparating

Pagkakataong muli pwede ba nating isantabi
Takot at pighati patapos na ang gabi
Sige subukang ngumiti
Maging liwanag sa dilim
Ng kapayapaan at ligaya ang magniningning

Pag-asa ang dahilan pag-ibig ang paraan
Walang maiiwan lahat tayo magdiriwang
Pangarap ay balikan pag-ibig lang ang daan
Kaya sama-samang salubungin ang bagong yugto
Simulan mo na ang bagong yugto
Ang bagong yugto
Simulan natin ang bagong yugto oh

Madaming yakap at kapit bisig
Tuwa at saya laman ng tinig
Ibalik natin 'yung dating hilig
Dagdagan pa ng kilig salo-salo walang talo
Lahat panalo sigurado 'yan
Isang malambing na tingin
Tapos matamis na halik

Isang tagay isang saludo
Tayo tayo hanggang sa dulo
Kapit walang bibitaw
Lahat ay bida ako at ikaw
Ipakita ang kinang ng bukas na inaasam
Pakabusog muna tayo buong mundo ang kasalo

Pag-asa ang dahilan pag-ibig ang paraan
Walang maiiwan lahat tayo magdiriwang
Pangarap ay balikan pag-ibig lang ang daan
Kaya sama-samang salubungin ang bagong yugto
Simulan mo na ang bagong yugto
Ang bagong yugto
Simulan natin ang bagong yugto ohh

Tuloy tuloy lang ang paghakbang
Dahil ang bukas ay nakaabang
Ang aral at lunas ay nakalaan
Sa bawat kahapon na lalampasan
Tuloy tuloy lang ang paghinga
Ito'y isang tanda na may pag-asa pa
Kaya magdiwang ka

Babalikan ang tunog ng nagsasabi
Bawat sigaw o bulong may mangyayari
Posible manalo ang gulo sa dalangin
Pag-ibig na ulit magmamay-ari
Kaya maririnig ang umaawit napapangiti
Nagagalit kalakip ng pasakit ay tamis
Kasi kaisa puso maniwala ka posible magkalangit simulan mo na

Pag-asa ang dahilan pag-ibig ang paraan
Walang maiiwan lahat tayo magdiriwang
Pangarap ay balikan pag-ibig lang ang daan
Kaya sama-samang salubungin ang bagong yugto (bagong yugto)
Simulan mo na ang bagong yugto (bagong yugto simulan mo na simulan mo na)
Ang bagong yugto
Simulan natin ang bagong yugto ohh (bagong yugto simulan mo na simulan mo na)

Ito ang byaheng naudlot sa tuktok
Ito ang mensaheng walang dulo't tuldok
'Di mawawari bumangon umabante
Ito ang panibagong yugto
Ito ang byaheng naudlot sa tuktok
Ito ang mensaheng walang dulo't tuldok
Kung 'di mawawari bumangon umabante
Ito ang panibagong yugto
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Bagong Yugto

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole en haut du téléviseur
2| symbole à gauche du cadenas
3| symbole en haut de l'étoile
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid