Mabangis est une chanson en Tagalog
Ey Princess Thea (mabangis)
Yeah yeah yeah yeah
Princess Thea (mabangis)
Princess Thea
Malandi (malandi)
Bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare)
Makinig ka sa 'kin uh
Mga ate (maaarte)
Bumilib ka sa 'kin uh
Huwag n'yo akong husgahan
Hindi n'yo pa 'ko kilala
Malandi (malandi)
Bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare)
Makinig ka sa 'kin uh
Mga ate (maaarte)
Bumilib ka sa 'kin uh
Huwag n'yo akong husgahan
Hindi n'yo pa 'ko kilala
Princess Thea
Ang aking pangalan
Sa mga hakbang tila ba
Ang daming nakaharang
Nag-aaral po ako
Huwag n'yo akong husgahan
Hindi ka hukom
At wala tayo sa hukuman
Ang daming nanghuhusga
Kahit na hindi ko naman kilala
Kapagka sumasampa sa entablado
Tila ba pilit ang pagtingala
Kabikabilaan ang mga salita
Ang tingin sa 'kin ay pariwara
Eh wala naman akong maling nakikita (nakikita)
Sa 'king mga ginawa
Eto ang nakahiligan iba sa mga
Kaedaran na kinamulatan
Ngayon ay pinagkakakitaan
Isa sa gabay para sa kinabukasan
Sa 'king pag aaral 'di naging sagabal
Alam ko ano ang dapat na unahin
Nagdarasal muna bago magtanghal
Yan ang turo ng magulang sa 'kin
Kaya ako'y tuloy tuloy lang
'Di ko dinadamdam ang mga komento
Mabait ako kung 'di nga lang naging rapper
Malamang ako'y nasa kumbento
Kaso ito ang naging direksiyon ng
Mga paang nakasayad sa kongkreto
Ako ay naniniwalang balang araw
Magkakaroon din ako ng sariling konsiyerto
Hindi masama ang mangarap (mangarap)
Malapit ko na na mahanap (mahanap)
Basta ako ay magsisikap (sikap)
Hanggang sa tuluyang mayakap (yakap)
Ko ang tagumpay
Kusa 'yan nang walang humpay
Marami mang pekeng nakapalibot
Ako ang magpapakatunay (tunay)
Malandi (malandi)
Bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare)
Makinig ka sa 'kin uh
Mga ate (maaarte)
Bumilib ka sa 'kin uh
Huwag n'yo akong husgahan
Hindi n'yo pa 'ko kilala
Malandi (malandi)
Bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare)
Makinig ka sa 'kin uh
Mga ate (maaarte)
Bumilib ka sa 'kin uh
Huwag n'yo akong husgahan
Hindi n'yo pa 'ko kilala
Ey Princess Thea (mabangis)
Yeah Princess Thea (mabangis)
Princess Thea
Pangalawang berso
Isinulat ko sa papel na kapiraso
Hanggang sa mabuo mga letrang
Aking tinahi na para bang retaso
'Kakapanibago Diyos ko sa
'King inihanda daming nakisalo
Mga 'di naman imbitado
Puro negatibo pa aking salitang inabot
Sana'y mangilabot
Naman kayo sa inyong mga sinasabi
Sa edad kong tresi tila ba ang pamantayan ay hindi balanse
Ba'la kayo d'yan
Oras ko sa inyo 'di na aaksayahin
Pagtutuunan ko na lang ng pansin
Mga bagay na dapat kong gawin
Baka sakaling may marating
Ang tagumpay ay mapatikim
'Pagka nahinog may mapipitas na rin na
Mga bunga sa aming pananim
Mula sa ilalim
Sana ay sumikat pagdating ng araw
Matupad ang lahat ng mga hiniling
Sa mga dumaan na bulalakaw
Pahalagahan ko
Napaka aking napasakamay
Pero mananatili pa rin sa lupa
Ang aking mga paa saan man mapalagay
Marami man ang nanghihila (nanghihila)
Never ako na maghihina (maghihina)
Positibo pa rin ang pananaw
Kahit na pangit ang aking nakikita
Malandi (malandi)
Bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare)
Makinig ka sa 'kin uh
Mga ate (maaarte)
Bumilib ka sa 'kin uh
Huwag n'yo akong husgahan
Hindi n'yo pa 'ko kilala
Malandi (malandi)
Bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare)
Makinig ka sa 'kin uh
Mga ate (maaarte)
Bumilib ka sa 'kin uh
Huwag n'yo akong husgahan
Hindi n'yo pa 'ko kilala