paroles de chanson / Papuri! Singers parole / Si Kristo Ay Sapat Sa Akin lyrics  | ENin English

Paroles de Si Kristo Ay Sapat Sa Akin

Interprète Papuri! Singers

Paroles de la chanson Si Kristo Ay Sapat Sa Akin par Papuri! Singers lyrics officiel

Si Kristo Ay Sapat Sa Akin est une chanson en Tagalog

Sa aking paglalakbay sa buhay na ito
May isang bagay sa puso'y aking natanto
Kahit anong hirap ng dinaranas ko
Ang katiyakan sa aki'y 'di naglalaho

Ang bawat hakbang ko nga ay may kabuluhan
Kahit minsan ay hindi ko maintindihan
Dahil sa pangakong 'di niya ko bibitiwan
Kahit sa pagsubok mayroon ding kagalakan

Si Kristo ay sapat sa akin
Si Kristo siya'y sapat sa akin
Ang mga pangako niya ay tiyak na tutuparin niya
Kaya't ako'y wala nang pangamba

Ang daan tungo sa buhay na walang hanggan
Tulad ng paglalakbay sa karagatan
Pag-ihip ng hangin at buhos ng ulan
Ang pananampalataya'y dapat tibayan

Ang Dios na tapat sa atin ang siyang nangako
Na hindi niya pababayaan tayo
Ang pangangailanga'y pupunan niya nang husto
At ang bukal ng ligaya'y aapaw lalo

Si Kristo ay sapat sa akin
Si Kristo, siya'y sapat sa akin
Ang mga pangako niya ay tiyak na tutuparin niya
Kaya't ako'y wala nang pangamba

Si Kristo ay sapat sa akin
Si Kristo, siya'y sapat sa akin
Ang mga pangako niya ay tiyak na tutuparin niya
Kaya't ako'y wala nang pangamba
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Si Kristo Ay Sapat Sa Akin

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à gauche du nuage
2| symbole en haut de l'enveloppe
3| symbole en bas de la valise
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid