Kalmado est une chanson en Tagalog
Kami ngayon ay kalmado lang (kalmado lang)
Non-stop at nagbibilang (nagbibilang)
Hindi mapigil at kumikinang (kumikinang)
Ngayon sila na yung nangingilag
Panatag at naglilibang (naglilibang)
Paa sa lupa at hindi lutang (hindi lutang)
Hindi mapigil at kumikinang
Hindi mapigil at kumikinang
Kami ngayon ay kalmado lang
Ugh yung dahan-dahan tingnan mo inabot
Kitang-kita ang epekto ngayon kakilabot
'Di tumigil sa paghabol gang mahanap na
Tila ibon sa bulate dapat ay maagap ka
Ako'y napagod din tulad mo tao lang
Kung 'di ko tinuloy resulta nun ay talo lang
Pati pato na lahat ito'y sagad sagad
Tiyaga-tiyaga lang muna kase nga hindi agad-agad
Tahimik nagdasal humiling ginalawan
Kahit na anong tunog pilit kong sinayawan
Hindi inayawan diretso 'di nag-alangan
Patuloy lang ginalingan hindi lang din inabangan
Kung san nagkulang dati ngayon ay tinambakan
Bawat aral sa daan matik na tinandaan
Nagpatuloy lang at lalo lang tinindihan
Nag-aapoy lahat ngayon kasi aking sinindihan
Patuloy na magbibigay liwanag sa dilim
Nang sa ganun makita kung hirap mong tanawin
Daming mga pangyayari na kay hirap tanggapin
Ngunit kinakailangan mo na ituloy pa rin
Nang dahil sa mga letra
Nakawala sa pagkagapos sa kadena
Sinusubok man minsan ng mga nega
'Di nagpatalo bagkos kami'y pumareha kaya
Kami ngayon ay kalmado lang (kalmado lang)
Non-stop at nagbibilang (nagbibilang)
Hindi mapigil at kumikinang (kumikinang)
Ngayon sila na yung nangingilag
Panatag at naglilibang (naglilibang)
Paa sa lupa at hindi lutang (hindi lutang)
Hindi mapigil at kumikinang
Hindi mapigil at kumikinang
Kami ngayon ay kalmado lang
Ugh walang iba ganun pa rin
Kung san man nanggaling yung puso ko andun pa rin
Walang nagbago basta lahat ay tutuparin
Kahit pa madami mang humarang ay tutok pa rin
Daming sakripisyo tila ba naging puhunan
Hanggang dulo yun at yun aking pinagtuunan
Kasi alam ko sa sarili nga na darating
Gagawin lahat at balang araw may mararating
Sarap ng buhay ay malalasap
Parang panaginip pero tunay na nagaganap
Kung dati ay naghahanap ngayon ay natagpuan
Binagyo ng biyaya ang hiling lang ay maambunan
Dami kong aray tang ina pero 'to ay naging sulit
Handa ang pagkatao batuhin man ilang ulit
Hindi tinablan hindi na din sumablay
Kaya sa byahe ko ngayon ay pwede kang sumabay
Patuloy na magbibigay liwanag sa dilim
Nang sa ganun makita kung hirap mong tanawin
Daming mga pangyayari na kay hirap tanggapin
Ngunit kinakailangan mo na ituloy pa rin
Nang dahil sa mga letra
Nakawala sa pagkagapos sa kadena
Sinusubok man minsan ng mga nega
'Di nagpatalo bagkos kami'y pumareha kaya
Kami ngayon ay kalmado lang (kalmado lang)
Non-stop at nagbibilang (nagbibilang)
Hindi mapigil at kumikinang (kumikinang)
Ngayon sila na yung nangingilag
Panatag at naglilibang (naglilibang)
Paa sa lupa at hindi lutang (hindi lutang)
Hindi mapigil at kumikinang
Hindi mapigil at kumikinang
Kami ngayon ay kalmado lang (kalmado lang)
Non-stop at nagbibilang (nagbibilang)
Hindi mapigil at kumikinang (kumikinang)
Ngayon sila na yung nangingilag
Panatag at naglilibang (naglilibang)
Paa sa lupa at hindi lutang (hindi lutang)
Hindi mapigil at kumikinang
Hindi mapigil at kumikinang
Kalmado lang lang lang ah-ah (kalmado lang)
Kalmado lang lang lang ah-ah (kalmado lang)
Kalmado lang lang lang ah-ah (kalmado lang)
Kalmado lang (kalmado lang)
Kalmado lang oh (kalmado lang)