paroles de chanson / Kamikazee parole / K.K.K. lyrics  | ENin English

Paroles de K.K.K.

Interprète Kamikazee

Paroles de la chanson K.K.K. par Kamikazee lyrics officiel

K.K.K. est une chanson en Tagalog

Ser baka pwede nating pag-usapan ang aking kasalanan baka pwedeng kalimutan
Sa bawat sulok ng aming lipunan dito halos lahat nababayaran
Pabor kay ganito pabor kay ganyan kapalit ng tulong nagpatong na utang
Pagdating ng singilan utang na loob ang kabayaran nasaan na ang mga bayani
Tuluyan na silang nabaon sa nakaraan pagtangis ng aming bayan dama ng aming kalooban

Pelikula’t politika tila iisa matira ang matibay karnabal na sistema
Lahat gustong bumida magpaikot ng istorya sa aming paningin lahat ay kontrabida
Nauulol tumatahol bumubula ang laway lumalabas ang pangil tumutubo ang sungay
Espadahan ng salita sino ang kawawa lahat daw sila ay tama lahat kami kawawa

Naturingan kang may pinag-aralan ngunit bakit ikaw ang dahilan ng kaguluhan
Nais lang naman ni Juan mabuhay ng karaniwan
May kasaganahan at bubong na masisilungan
Para saan ang sinumpaan kung babaliin din naman
Masakit isipin nabababoy ang bayan na kinalakihan
Nilagay mo ang kamay sa tapat ng yong puso sabay sabi mo pa ang mamatay ng dahil sa yo
Pagtangis ng aming bayan dama ng aming kalooban

Pelikula’t politika tila iisa matira ang matibay karnabal na sistema
Lahat gustong bumida magpaikot ng istorya sa aming paningin lahat ay kontrabida
Nauulol tumatahol bumubula ang laway lumalabas ang pangil tumutubo ang sungay
Espadahan ng salita sino ang kawawa lahat daw sila ay tama lahat kami kawawa

Masasagip ka ba masasagip ka ba masasagip ka ba

Pelikula’t politika tila iisa matira ang matibay karnabal na sistema
Lahat gustong bumida magpaikot ng istorya sa aming paningin lahat ay kontrabida
Nauulol tumatahol bumubula ang laway lumalabas ang pangil tumutubo ang sungay
Espadahan ng salita sino ang kawawa lahat daw sila ay tama lahat kami kawawa
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de K.K.K.

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à droite du nuage
2| symbole en haut du coeur
3| symbole à gauche de la maison
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid