paroles de chanson / Himig Heswita parole / Prusisyon Sa Linggo Ng Palaspas - Salmo 47 lyrics  | ENin English

Paroles de Prusisyon Sa Linggo Ng Palaspas - Salmo 47

Interprètes Himig HeswitaRey Malipot

Paroles de la chanson Prusisyon Sa Linggo Ng Palaspas - Salmo 47 par Himig Heswita lyrics officiel

Prusisyon Sa Linggo Ng Palaspas - Salmo 47 est une chanson en Tagalog

Sa daraanan ni Kristo
Naglatag ang mga tao
Ng tela at mga belo
Nagpupuri ng totoo
Inaawit nila ito

Purihin ang dumarating
Hari ng bayang Israel
Isinugo ka sa amin
Taglay mo'y ngalang butihin
Ng D'yos Amang maibigin

Lahat kayong mga tao
Ipagdiwang n'yo nang husto
Ang Poong D'yos nitong mundo
Siya'y palakpakan ninyo
Magpuri't sumamba kayo

S'ya ang kataas-taasan
Poong makapangyarihan
Dapat tayong magpitagan
Siya'y haring walang hanggan
Ng mundo at kalawakan

Sa daraanan ni Kristo
Naglatag ang mga tao
Ng tela at mga belo
Nagpupuri ng totoo
Inaawit nila ito

Purihin ang dumarating
Hari ng bayang Israel
Isinugo ka sa amin
Taglay mo'y ngalang butihin
Ng D'yos amang maibigin

Panginoo'y mananakop
Hari s'ya ng sansinukob
Karangalan siya ni Jacob
Na hinirang niya't kinupkop
Itinanghal at kinupkop

Sa dakila n'yang luklukan
Panginoo'y ipagdangal
Naghahari siyang tunay
Mag-awitan magtugtugan
Ipagbunying totohanan

Sa daraanan ni Kristo
Naglatag ang mga tao
Ng tela at mga belo
Nagpupuri ng totoo
Inaawit nila ito

Purihin ang dumarating
Hari ng bayang Israel
Isinugo ka sa amin
Taglay mo'y ngalang butihin
Ng D'yos amang maibigin

Hari s'ya ng sansinukob
Sa kanya tayo'y maghandog
Papuring kalugod-lugod
Na wagas tunay at taos
Sa puso natin at loob

Mga hari't punong bayan
Kapisan nga at kabilang
Sa hinirang niyang angkan
Lipi't lahi ni Abraham
Kanyang pinapatnubayan

Sa daraanan ni Kristo
Naglatag ang mga tao
Ng tela at mga belo
Nagpupuri ng totoo
Inaawit nila ito

Purihin ang dumarating
Hari ng bayang Israel
Isinugo ka sa amin
Taglay mo'y ngalang butihin
Ng D'yos Amang maibigin
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Prusisyon Sa Linggo Ng Palaspas - Salmo 47

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole en haut du casque
2| symbole à gauche de la loupe
3| symbole à droite de la valise
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid