paroles de chanson / Hangad parole / Pieta lyrics  | ENin English

Paroles de Pieta

Interprète Hangad

Paroles de la chanson Pieta par Hangad lyrics officiel

Pieta est une chanson en Tagalog

Ave maria gratia plena
Sancta maria mater dei

Kay lamig na ng hangin lumalatag ang dilim
'Di maabot ng tingin itong lagim
Narito ang 'yong ina damhin mong yakap-yakap ka
Sa kandungan ko sinta mapanatag ka sinta

Nais ko'y pagmasdan ka sa 'yong pamamahinga
Minsan pa'y iduyan ka awitan ka
'Di ko man nababata puso ko'y lumuluha
Sa iyong pag-iisa sasamahan ka

At hihilumin ang brasong sugatan papawiin mga luha mong taglay
Lilinisin mukha mong dinumhan paagusin ang luha kong alay
Madama ko man mga tinik yayakapin ka nang mahigpit giliw
Ihehele't iduduyan ka mahimbing na tapos na

Aking ama ako'y nilisan mo na ba
Bigyang liwanag alipin mong aba
Tinalikuran mo na ba dinggin ang panalangin ko ama
Sumasamong pagpalain mo nang minsan pa'y masabi ko sa 'yo
Ako'y alipin mo sundin ang loob mo ama ko

Hihilumin ang brasong sugatan papawiin ang luha mong taglay
Lilinisin mukha mong dinumhan paagusin ang luha kong alay
Madama ko man mga tinik yayakapin ka nang mahigpit giliw
Ihehele't iibigin ka tapos na tapos na
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.
Copyright: THE MUSIC GOES ROUND

Commentaires sur les paroles de Pieta

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à gauche de l'oeil
2| symbole à gauche du pouce en l'air
3| symbole à gauche du cadenas
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid