paroles de chanson / Gary Granada parole / Sa Puno Ng Mangga lyrics  | ENin English

Paroles de Sa Puno Ng Mangga

Interprète Gary Granada

Paroles de la chanson Sa Puno Ng Mangga par Gary Granada lyrics officiel

Sa Puno Ng Mangga est une chanson en Tagalog

Sa ibaba ng gulod
Sa itaas ng ilog
May puno ng mangga
Tayo'y naglalaro
Ng sungka at piko
Noong mga bata pa
Hanggang sa tumanda
Ako'y nagbinata
At ika'y nagdalaga
At doo'y pagsinta
Sa isa't isa
Ay unang nadama

Saksi pa ang buwan
Nang maging tagpuan
Ang puno ng mangga
Doo'y natutuhan
Nating pagsaluhan
Ang lungkot at ang saya
At nangarap ako
Na iregalo sa iyo
Sa kasal nating dal'wa
Isang dampa sa gulod
Isang bangka sa ilog
At isang punong mangga

Ngunit isang araw
Ika'y lumisan
Dagling nagunaw
Ang ating sumpaan
Ang balita ko
Minsan ikaw ay nangibang-bayan
Kapalaran mo
Doon na rin natagpuan

Kung masdan mo ngayon
Wala nang dahon
Ang puno ng mangga
Nakaukit pa rin
Ang pangalan natin
Sa isang lumang sanga
Saan ka man naroon
Giliw sana ngayon
Maalwan ang buhay mo
Kung iyong kamustahin
Ang dating bukirin
Iba na ang anyo

Kung iyong kamustahin
Mag-aanim na rin
Aking mga apo
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Sa Puno Ng Mangga

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole en bas de l'enveloppe
2| symbole à gauche de la cible
3| symbole en haut de la calculatrice
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid