paroles de chanson / Gary Granada parole / Pablong Propitaryo lyrics  | ENin English

Paroles de Pablong Propitaryo

Interprète Gary Granada

Paroles de la chanson Pablong Propitaryo par Gary Granada lyrics officiel

Pablong Propitaryo est une chanson en Tagalog

At tinawag siyang Pablong Propitaryo
Kaiga-igaya ang buhay sa mundo
Alkaldeng ni minsan ay hindi natalo
Nuno siya ng yaman isang pulitiko

Dagsa ang tauhan na tapat sa kanya
Maraming alalay saan man pumunta
Daming pag-aari at walang kapara
Bukid palaisdaan na ekta-ektarya

Ungkatin ang kanyang nagawa sa bayan
Limos sa dukha't abuloy sa patay
Tulay irigasyon mga pamilihan
Ay nangapatayo sa kanyang pangalan

Balana'y humanga't sa kanya'y pumuri
May nangingimbulo't pumipintakasi
Ngunit propitaryo'y biglang nangunsumi
Sa 'di karaniwa't biglang pangyayari

Bantay palaisdaa't kasama sa bukid
Humugos sa kanyang palasyong matarik
Amo po'y pagbigyan yaring ihihibik
Taasan po'ng parte naming maliliit

Tenga ni Pablo'y dagling nakulili
Nanlisik ang mata nanduro ang daliri
Bakit umaangal sa inyong kahati
Sa batas ko'y sino ang makababali

Pablo mag-isip-isip ka Pablo
Ang iyong mga atraso
Babalik at babalik sa 'yo
Pablo mag-isip-isip ka Pablo
Ang iyong pang-aabuso
Babalik at babalik
Babalik at babalik
Babalik at babalik sa 'yo

Umuwing tigagal ang mga tauhan
Sa sagot ng among hindi inaasahan
Sumpa ng tadhana abang kapalaran
Nating mahihirap ay nilalabusaw

Hanggang minsa'y parang apoy na kumalat
Balitang Pablo'y binaril at sukat
Tingga ay naglagos sa dibdib sa utak
Sinong walang puso kaya ang umutas

At ang buong baya'y mangyaring nalagim
Bata't matanda'y panaho'y nanimdim
Nang Pablo'y iburol sambuwang binimbin
Daming nakiramay daming nakikain

Pablo mag-isip-isip ka Pablo
Ang iyong pang-aabuso
Pablo mag-isip-isip ka Pablo
Ang iyong pang-aabuso
Babalik at babalik
Babalik at babalik
Babalik at babalik sa 'yo
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Pablong Propitaryo

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à droite de la poubelle
2| symbole en bas de l'oeil
3| symbole en bas du téléviseur
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid