paroles de chanson / APO Hiking Society parole / Medley: Halina / Halina / Pasko Kasi / Kami Po'S Paskuhan / Damdaming Pasko / Pasko'Y Laganap / Simula Ng Pasko lyrics  | ENin English

Paroles de Medley: Halina / Halina / Pasko Kasi / Kami Po'S Paskuhan / Damdaming Pasko / Pasko'Y Laganap / Simula Ng Pasko

Interprètes APO Hiking SocietyCeleste LegaspiNoel TrinidadSubas HerreroVerni GonzalesIvy ViolanJanet BascoLeo ValdezDulceMarco Sison

Paroles de la chanson Medley: Halina / Halina / Pasko Kasi / Kami Po'S Paskuhan / Damdaming Pasko / Pasko'Y Laganap / Simula Ng Pasko par APO Hiking Society lyrics officiel

Medley: Halina / Halina / Pasko Kasi / Kami Po'S Paskuhan / Damdaming Pasko / Pasko'Y Laganap / Simula Ng Pasko est une chanson en Tagalog

O mga kasama halina halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin halina halina
Ang sanggol ng inang birhen

Maghanda-handa sa pagdiriwang ating gagawin
At sikapin ding mapagmahal ang damdamin natin
At lahat tayo ay dapat magdasal nang mataimtim
Nang tayo'y pagpalain

O mga kasama halina halina
Mag-alay ng panalangin

Sa Belen tayo ay magsidalaw
At mag-alay ng ating paggalang
Iya'y tungkulin habang buhay
Ng bawat taong isinilang

Dinggin niyo ang buong bayan
Pamasko ang awitan
Laganap ang kasayahan
May galak ang daigdigan

Dukha man ang ating buhay
Tayo'y dapat magdiwang
Tayo ay magpasalamat sa taglay nating buhay

Sa araw ng pasko iwaglit ang lumbay
Tayo ay magsayang walang humpay
Ihanda ang lahat ng may sigla at liksi
Darating ang araw ng pasko kasi

Buksan niyo ang bintana
At kami ay pakinggan
Ang awit naming pamasko
Sa inyo'y iniaalay

Kami po ay nanggaling
Sa malayong bayan
Nagsadya rito sa inyo
Upang kayo ay awitan

Kami'y bumabati ng maligayang pasko
At masaganang bagong taon
Kami po ay nanggaling
Sa malayong bayan
Nagsadya rito sa inyo
Upang kayo ay awitan

Ang kagandahang loob
Ay naghahari sa sino man
Pagbibigayan ang siyang namamasdan
Dito at kahit saan man

Sa t'wing araw ng pasko
Nagdiriwang ang kahit sino
'Pag masagana'y buong siglang
Nag-aalay sa pusong may lumbay

Ang damdaming ganyan sana
Ay laging taglay ng bawat isa
Upang ang buhay natin ay
Lumaging ligtas sa pagdurusa

Ang damdaming ganyan sana
Ay laging taglay ng bawat isa
Nang mabuhay tayong walang pangamba
At maligaya

Maligaya sana ang maging pasko natin
Mag-aalay ng papuri sa pananalangin
Sa lahat ng tao sa lahat ng dako
Pagdiriwang natatangi ang araw ng pasko

Kapag nasa simbahan tayo'y magdasal
At kung nasa tahanan tayo'y magdiwang
Iyan ang kaugalian na ating nagisnan
Laging alalahanin ngayon at kailanman

Nauna ang tatlong haring mago
Nagbigay ng mga regalo
Simula nang ito ng kagandahang loob
Ng mga taong naging kristyano

Habang tayo'y nabubuhay
Ang pasko ay laging ipagdiwang
At itangi ang pagsilang
Ni Hesus na ating minamahal
Habang tayo'y nabubuhay (habang tayo'y nabubuhay)
Ang pasko ay ating ipagdiwang
At itangi ang pagsilang (at itangi ang pagsilang)
Ni Hesus na ating minamahal

O mga kasama halina halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin halina halina
Ang sanggol ng inang birhen
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Medley: Halina / Halina / Pasko Kasi / Kami Po'S Paskuhan / Damdaming Pasko / Pasko'Y Laganap / Simula Ng Pasko

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à gauche du pouce en l'air
2| symbole à droite de la croix
3| symbole en bas de l'horloge
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid