paroles de chanson / ALAMAT parole / Maharani lyrics  | ENin English

Paroles de Maharani

Interprète ALAMAT

Paroles de la chanson Maharani par ALAMAT lyrics officiel

Maharani est une chanson en Tagalog

Nakatabing na naman ang iyong mga mata
May pahaging pero parang ayaw mong pahalata
Sinaktan ka na naman ba niya
Bakit ‘di ka pa nadadala
Ang tulad mo ay tipong hindi basta binabalewala
Pero…

‘Di niya batid ang kanyang sinasayang
Habang ako dito’y naghihintay lamang
Gaya ng mga iilang tagahanga mong nasa gilid lang
Pangako ‘di ako nahihibang, ikaw ang aking nag-iisang

Maharani, maaari bang mapagbigyan
Kung sakali pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang ‘yong lakan
Sumusumpa kay bathala ako ay ‘di magsasawa

Maharani, maaari bang mapagbigyan
Kung sakali pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang ‘yong lakan
Sumusumpa kay bathala ako ay ‘di magsasawa
Maharani

Nakatabing mga labing nais nang isigaw
Kung sakaling papalarin ay maging ako’t ikaw
Subok lang baka naman
Ito pala yung pang walang hanggan
‘Pagkat tulad mo yung tipong kahit ano aking ilalaan
Pero…

‘Di niya batid ang kanyang sinasayang
Habang ako dito’y naghihintay lamang
Gaya ng mga iilang
Tagahanga mong nasa gilid lang
Pangako ‘di ako nahihibang
Ikaw ang aking nag-iisang

Maharani, maaari bang mapagbigyan
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang ’yong lakan
Sumusumpa kay bathala ako ay ‘di magsasawa

Maharani, maaari bang mapagbigyan
Kung sakali pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang ‘yong lakan
Sumusumpa kay bathala ako ay ‘di magsasawa
Maharani

Mala-prinsesa
Sa ‘king paningin ay nababalot ng ginintuang seda
Ako’y nabibihag ng iyong mga ngiti
Na para bang nakatanikala sa selda
Pasensya na hindi naman na lihim
Ikaw ang natatanging gusto ko na makapiling
Ang bawat daan ko sa iyo na nakakiling
Sana mabigyan ng pagkakataong ibigin

Panahon ay nasasayang
‘Pag pinaglalaban ang hindi ka naman kayang ipaglaban
Kaya sa ‘kin ka na nga lang
Ipinapangako ko ang puso ko’y magiging sa ‘yo lamang

Sa dami ng katunggali, magpupunyagi
Hanggang sa ako’y magwagi
Ngunit kahit magapi ang pagtingin
Dito pa rin maglalagi

Maharani, maaari bang mapagbigyan
Kung sakali pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang ‘yong lakan
Sumusumpa kay bathala ako ay ‘di magsasawa

Maharani, maaari bang mapagbigyan
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang ‘yong lakan
Sumusumpa kay bathala ako ay ‘di magsasawa
Maharani
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Maharani

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à droite de l'étoile
2| symbole en haut de l'horloge
3| symbole en haut de la maison
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid