Buwang Mabato is a song in Tagalog
Sa tuwing mapuwing tila nahumaling
Nagmumuka lang na praning sa nakatingin
Lang hindi unawa dapat na gawin din
Alanganin anong susundin
Kung puso pa ba o ang isip
Dapat sunduin sarili kong nanaginip
Nakasilip sa buwan sapat na ang nakatitig
Di parehong ating hilig mukhang labo mapaibig
Pero kahit na ganun hangad ko lang ang paglago (uhh)
Namuhunan ang sarili nilayo (hmm)
Sa pwedeng ikakasira't ikagulo (hmmm)
Mukang sa dulo na lang tayo magtagpo (hmm)
Nag-iba takbo at dami nang tukso
Pero buti sinusuri sinusulit kong husto
O gusto ko na lang lumagay sa malayo
Di matao mapayapa't nasa kabilang ibayo
Ano kamo eto plano tara galawan
Kanya-kanya 'yan nang bangko walang sapawan
Bagayan tao nako po teka 'wag na lang
Mga tagong nako po bawal may alam
Lamang may alam malamang di pwede mangmang lagi lang takam (hmm)
Tara kuhain nakahain lantakan (hmm)
Kung ano atin nasa atin 'lang alam
Yung iba kaya 'wag pa dikta sa iba
Lalo kung ang lagay natin lagi alanganin hmm
Walang hiling o panalangin kung hindi aatupagin
Nasa kilos o gawain tingin ng iba sa atin
Madali lang pasanin 'lang pahaging
'Toy dikta lang nang damdamin
Isipin din san dadalin ng iyong hangarin
Di lang para lang pangarapin
Pangarap ang kukuhain
Sa harap kung susumain
Hinaharap hahanapin
Hahatakin aakayin
Mga nakasama sa baba
Nakaranas din ng malas sa pagkawala
Pinamalas nakatakas at kumawala
Sa sistema na wala naman dapat talaga
Di na abala para sa iba
Di na nga perwisyo kay ama
Ay aba
'Wag mag-alala alam na alam na
May lungkot at saya 'wag magpadala
Ano ba ano na talo may kaba (hmm)
Minsan lang t'yansa kaya 'wag mag-aksaya (huh)
Taas baba na tao lang din may gawa
Tayo lang din masisira kung panay nakatanga
Panay pa pangangamba baka walang mapala
Baka wala ding mangyare kung walang ginagawa
Kaya na imbis humiling tumingala lang sa tala
Tumindig dinaig ang maling akala
Ginagawa koto para sarili lumago
Mga di kailangan kailangan ilayo
Para matahimik ang paligid di bukambibig
Ang hilig 'lang ang alam ang puro titig