song lyrics / Santo / Hangarin lyrics  | FRen Français

Hangarin lyrics

Performer Santo

Hangarin song lyrics by Santo official

Hangarin is a song in Tagalog

Sinungaling sapagkat sinungaling din nagsabi
Sino nga ba yung angat? at tanging namumutawi
Naging saksi din lahat nung ako ay bumabawi
Nag-ensayo kahit pagtawanan man ng marami
Sinungaling pagsinabing 'di ka galing sa wala
Sinong aleng nagbahagi ng mabuting salita?
Sila ba yung may kunyaring malasakit sa iba?
O sila nga din yung palaging nanghihila pababa?
Tuso man ang kapalaran, natutunan kong lumaban
Uso pa nun yung asaran, tawanan, at palakpakan
Uusbong din ako pag nakilala ang pangalan
Sa larangan na pinaglalaanan ng sagaran
Itong hangarin ay tila ba hindi tiyak
Kung papalarin, maging isa sa mga nag
Baka-sakaling makasilat ng palakpak
Na may pahaging, pagtya-tyaga't pagsi-sipag
Natutunan ko ang bawat pagkakamali
Mabubulunan kung panay ka pagmamadali
Matutong maghintay ng mga tamang sandali
Di bale nang matagalan, ah, basta 'di ka humindi
Tuloy padin 'to paangat, paumanhin po ng sagad
Paamuhin ang hangin para ang baga ay magliyab
Para 'to sa hangaring ginagawa ko ng tapat
Padaplis kong sasabihing kita-kits po sa taas

Sa ngayon ay 'la pang hawak, malayo pang marating
Ang aking mga pangarap, pilit kong aabutin
Kahit na sandamakmak nakapaligid na pating
Kahit pilit aningin, malabo nyong ma-praning
Dati na 'kong nadapa, natalisod, nabigo
Tila ba nabalisa sa sarili kong laro
Wasak ang mga hangarin na balak kong mabuo
Isang iglap ay nawala, parang nag biglang-liko
Dati akong tuliro kaya aking pinagplanuhan
Sistema ng aking buhay, kaya nang kinalaunan
Ginawa kong kasangkapan ang pait kong naranasan
Kahit na baliw ang tingin sakin ng karamihan
Wala saking nagtiwala pero hindi nabahala
Iniisip ko na lang may plano sakin ang Bathala
Natuto na mag-isa, walang guro at pisara
Hirap ko na naranasan, kapalit ay gantimpala
Darating din ang araw at ako'y titingalain
Dati rin akong hilaw, madalas baliwalain
Sabi ako'y wilab daw kaya baliw tawag sakin
Mababaw daw ang bitaw kaya walang pumapansin
Pero tuloy lang sa padyak kahit daan ay malubak
Tuloy-tuloy sa pagaspas pataas ng aking pakpak
Kahit paos man, o kapos hininga, at maghikahos
Bagkus tumigil, nagpatuloy lang hanggang sa maging boss

Pagtapos dapat ni gloc, ang next up: Saint
Pagdating ng stage, choke, end na game
Kinalikot ang settings, napansing set back ang set up, wait
Minabuting i-preserve ang faith
Napa-restock ng pent up rage, ang aking stocks
Nag flip-flop, broke, double entendre, i need some change
'Lang emergency funds, 'kala ko hiphop saves?
Ang aking art na dead-ma, my king's heart aches
Pero kahit dead bat, nagtext ang fate
Napa last dance, eto na ang text back, send
Akala nila nag fade away, yun pala'y set up play
Para mag step-back j, goat
Santo, the best writer alive
At next time na mag doubt, balik ka lang nung
Saint michael ka pa, nung gusto mo lang makinig ng wala
Kaya ikaw ang sumulat, legendary ka na
Umpisa ko lang goals nyo, let us get it, yo
best time to start? ten na years ago
Ang second best time to start? ngayon, kung merong dream kayo
Aani lamang kung merong tinanim kayo, Santo
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.
Writer: Arnold Irving Sanez
Copyright: O/B/O DistroKid

Comments for Hangarin lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the top of the house
2| symbol to the left of magnifying glass
3| symbol to the right of the heart
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid