Hindi na (feat. Jireh Lim) is a song in Tagalog
Habang ako'y naglalakbay
May nasilayan akong isang dalagang nag-aantay
Nag-aabang ng sasakyang kanyang paparahin
Walang kasama kaya naisip kong kausapin
Hinintay ko lang na mapatingin sya sakin
Bahagyang nalimutan kong ako ay mahiyain
Biglaang nagkapuno at nagbunga ng mangga
Nung napansin ko ang ganda ng mapungay nyang mata
Sa bagal ko ako ay naunahan ng kaba
Nangamba na baka may nagmamay-ari ng iba
Kaya naman ako ay naglakas loob
Ginising ang puso kong tulog kahit ito'y durog
Nasunog nako dati, susubukan kong muli
Bakasakaling makasama ko sya saking pag-uwi
Parang ika-labing apat ng Pebrero
Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo
Pagkatapos kong pataasin
Ang mga bakod ay
Pwede nang tibagin
Ako'y handa nang muling
Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan
Buksan na ang mga bintanang selyado
At ang pintuang nakakadena at kandado
Ako'y handa nang muling
Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan
Nakausap ko sya Undas
Pagkatapos kong madukutan sa bus
Imbis magalit, ngiti ko'y abot anit
Mula impyerno bumulusok parang rocket pataas patungong langit
Isang panaginip na nagkatotoo
Sumuntok ako sa buwan at tumama sa noo
Puso ko'y biglang tibok kahit bugbog ito't sugat
Na nagturo sa aking kamay muling magsulat
Mga patay na ugat muling nabuhay
Ang mga kahong puti't itim ay nagkakulay
Mga nakayukong gulay muling nagbigay-pugay
Ulo ko'y nagkasingsing kahit may sungay
Agawin man sakin ni Adolfo ang trono ng Albanya
Iwanang nakagapos sa may puno ng Acacia
Umaasa sa tinig ng ibong adarna
Mabuhay sa pantasya kasama si Laura
Kapalarang sumasakto sa bagsakan ng tambol
Pag kasama sya tumatamis ang asim ng santol
Parang ika-labing apat ng Pebrero
Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo
Hinahanap-hanap ko sya
Parang araw na hinahanap-hanap ang mga guma-melang
Parang labi nyang mapupula
Kung pagtingin ko sa kanya'y ulan, umaambon na
Nagkaututang-dila tungkol sa buhay-buhay
Naging peke ang paligid at sya lang ang naging tunay
Sa lalim, kung sisisirin di mo kakayanin
Pasulyap akong nagbayad, ngiti ang sukli nya sakin
Rinig ko ang awitan mula sa kalangitan
Kasabay ng pagsayaw ng alon sa dalampasigan
Nagdiwang, nagpaulan ng pana
Parang ligaw na bala nang sa puso ko tumama
Sampayan ng bituin ang langit, ang nasungkit ko ay tala
Nung sya'y ginawa marahil nagpakitang gilas si Bathala
Bulag daw ang pag-ibig di ako naniniwala
Kung bulag, bat ako nakakakita ng diwata
Di ko maiwasang manlagkit ang mga titig
Sa mukha nyang may ika-limang titik ng patinig
Parang ika-labing apat ng Pebrero
Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo
Hindi na... Kakatakot ang umibig
Hindi na... Kakatakot ang umibig
Hindi nakakatakot ang umibig muli
Hindi na... Kakatakot ang umibig
Hindi na... Kakatakot ang umibig
Hindi nakakatakot ang umibig muli