Paraluman is a song in Tagalog
O aking paraluman
Laman ng imahinasyon
O 'di ko maiwasan
Ika'y gawing inspirasyon
Sa mundong ito na magulo
At punong-puno ng drama ang mga tao
At iba-iba pa ang gusto
Pero ikaw pa rin ang laman ng puso ko
Paulit-ulit pero gusto kong sabihin na
Gusto kita at parang 'di na 'to mag-iiba
At kahit ano pa ang sabihin ng iba
Bahala na ikaw pa rin ang magsisilbi na
Paraluman sa kanta na susulatin ko
Pag naisipang magpinta ikaw ang gusto ko
Ikaw ang bida sa istorya na naisip ko
Ikaw lang kasi ang palaging iniisip ko
Isipin mo kung sa umaga sabay tayong magkakape
Sabay din na tatawa sabay magtatagpo ang mata nating dalawa
At biglang mahihiya na para bang isang eksena
Sa paborito mong palabas at ang ating landas magtatagpo
At tayong dalawa hanggang wakas at sana
Pati sa tunay na mundo ay makasama ka makasama ka
O aking paraluman
Laman ng imahinasyon
O 'di ko maiwasan
Ika'y gawing inspirasyon
Sa mundong ito na magulo
At punong-puno ng drama ang mga tao
At iba-iba pa ang gusto
Pero ikaw pa rin ang laman ng puso ko
Isang dalaga na pwede mong ikumpara
Sa pinakamagandang sining na inilikha
Mona Lisa Ophelia at Primavera Eres Unica
Wala kang katulad o aking paraluman
Bukod tangi ang tinataglay mong kagandahan
Hindi magtataka kung bakit 'di ko maiwasan na
Ikaw ay matitigan kahit 'di namamalayan
Ikaw ay parang buwan sa langit na lumiliwanag
Kahit marami ang bituin ikaw ang tumatawag
Sa aking pansin at ang aking tanging hiling ay ikaw ay aking mahagkan
O aking paraluman gusto ko lang malaman
Kung ayos lamang na ikaw ang pinagkukuhanan
Ng lahat ng aking inspirasyon
Magmula pa noon ikaw pa rin naman hanggang ngayon
O aking paraluman
Laman ng imahinasyon
O 'di ko maiwasan
Ika'y gawing inspirasyon
Sa mundong ito na magulo
At punong-puno ng drama ang mga tao
At iba-iba pa ang gusto
Pero ikaw pa rin ang laman ng puso ko
Tararatat tata
Tararatat tata
Tararatat tata
Turumtum turum tumtum
Halika na sa aking panaginip
Pagmasdan ang aking iniisip
Halika na sa aking panaginip
Pagmasdan ang aking iniisip
Halika na sa aking panaginip
Pagmasdan ang aking iniisip
Ikaw lang ang aking iniisip
Tangin laman ng aking panaginip