Biyahe is a song in Tagalog
Ayos lang ba na maglakad kasama ka't
Mag-aabang ng masasakyan at puwede bang
Magkuwentuhan sa daan (minsan hindi rinig)
Gagawan ng paraan (tuloy lang ang kilig)
Balikat ko'y gawing sandalan ikaw ay babantayan
Mainit ba ako'ng bahala ikaw ay papaypayan
Basta't laging tandaan na sa tabi mo'y nandiya-an
Kahati sa musikang pakikinggan
Pero pasensiya na kung wala pang dalang auto
Mahihintay mo ba ko 'pag tumama na sa lotto
Pamasahe lang dala pati pangkain diyan sa kanto
Pero 'ka mo para bang ako'y nanalo na sa 'yo
Kahit gan'to pa lang ay nandito na
Kausap gabi-gabi laging masaya
Walang inarte at pake sa'n man magpunta
Sabay tayong mangarap dalawa
Magkasama sa biyahe ng ating buhay
At wala nang bibitaw
Mga pangarap dati lagyan ng kulay
Ako lamang at ikaw
Tuloy lang umabante at
Maya na gumarahe at
Sabay tayo sa biyahe yeah
Tayo lang
Darating din tayo do'n sa plano natin na mansiyon
At sa Korea tayo'y magbabakasyon
Pero ngayon biyahe muna from Cavite to Manila
Tamang bus at road trip syempre may foodtrip din na kasama
Hindi nakakasawang pagmasdan ang mata't
Maligaw sa ganda't 'pag tumitig ka hinto buong paligid na
'Di alam kung bat ang oras ay para bang tumitigil at
Sabay tayong maglakbay lumakad man o sakay
Hawakan mo ang kamay ko't walang hihiwalay
Makaramdam man ng pagod sa 'kin ka humimlay
Kung mabigat man ang daloy tayo'y maghihintay yeah
Sabi ni sabi niya sabi nila
'Lang makakamit 'pag nasa dulo ka ng pila
Pero may gintong kapalit naniniwala
Mangarap tayong dalawa
Magkasama sa biyahe ng ating buhay
At wala nang bibitaw
Mga pangarap dati lagyan ng kulay
Ako lamang at ikaw
Tuloy lang umabante at
Maya na gumarahe at
Sabay tayo sa biyahe yeah
Tayo lang
Hanggang sa dulo ikaw ang kasama
Piniling manatili mula pa no'ng una
Hanggang sa dulo ikaw ang kasama
Piniling manatili mula pa no'ng una
Hanggang sa dulo ikaw ang kasama
Piniling manatili mula pa no'ng una