song lyrics / Pilita Corrales / Noong Unang Panahon lyrics  | FRen Français

Noong Unang Panahon lyrics

Performer Pilita Corrales

Noong Unang Panahon song lyrics by Pilita Corrales official

Noong Unang Panahon is a song in Tagalog

Noong unang panahon ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Kapag sa banga ni butil ay wala
Ang gubat at ilog may handang biyaya

Noong unang panahon ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon kay init ng darang
Ilog tinutuyo parang tinitigang

Noong unang panahon ang patak ng ulan
Pinasasariwa dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay

Noong unang panahon ang puso ng tao'y
Marunong magmahal hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi manggulo

Pati na ang langit na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa

Noong unang panahon ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Bathala gumising tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa

Noong unang panahon
Noong unang panahon
Noong unang panahon
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Noong Unang Panahon lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the bottom of the padlock
2| symbol at the top of the trash
3| symbol to the right of the suitcase
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid