Alab is a song in Tagalog
Isa pa
Sa gitna man ng panganib
Kailan may hindi ako mangangamba
Pagkat kasama ka
Di maaring manahimik
Mga labi ko’y sabik na sumamba
Papupurihan ka
Aanhin ko ang ligayang dulot ng mundo
Kung higit pa sa sapat ang ‘yong
Inalay do’n sa krus ng kalbaryo
Alab ng pag-ibig mo’y dakila at wagas
Liwanag sa tinahak kong landas
Buhay na walang gabay mo ay limot ko na
Hindi ko kakayaning mag-isa
Kung sa kalaunan ay humupa ang lakas
Nalalabi kong oras mag wakas
Ngalan mo’y itataas sa bawat paghinga
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Kalakip ng mga awit
Ay ang labis kong sayo’y pagkamangha
Wag nang matapos pa
Di maaring manatili
Puso ko’t mga paa’y
Lumulundag sa labis na tuwa
Susuyurin ko ang bawat sulok ng mundo
Kung sa bawat hakbang ay papalapit
Do’n sa pinto ng puso mo
Alab ng pag-ibig mo’y dakila at wagas
Liwanag sa tinahak kong landas
Buhay na walang gabay mo ay limot ko na
Hindi ko kakayaning mag-isa
Kung sa kalaunan ay humupa ang lakas
Nalalabi kong oras mag wakas
Ngalan mo’y itataas sa bawat paghinga
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Hindi ako pinilit kusang lumalapit
Do’n sa may aninag
Do’n sa may nagliliyab
Hindi ako pinilit
Kusang lumalapit
Do’n sa may aninag
Do’n sa may nagliliyab
Hindi ako pinilit
Kusang lumalapit
Do’n sa may aninag
Do’n sa may nagliliyab
Hindi ako pinilit
Kusang lumalapit
Do’n sa may aninag
Do’n sa may nagliliyab
Do’n sa may aninag
Do’n sa may nagliliyab hey
Praises
With no hope
Alab ng pag-ibig mo’y dakila at wagas
Liwanag sa tinahak kong landas
Buhay na walang gabay mo ay limot ko na
Hindi ko kakayaning mag-isa
Kung sa kalaunan ay humupa ang lakas
Nalalabi kong oras mag wakas
Ngalan mo’y itataas sa bawat paghinga
Hanggang sa dulo ng walang hanggan