Makinarya is a song in Tagalog
And you can ask anybody here
If I allowed the police man to kill human being kneeling down or
They're hand are right to surrender
But I always told you
That if you have to shoot
Shoot them dead (shoot them dead)
Mga anak salamat sa lahat
Lalo na sa pagpapatakbo ng alamat (pakagat)
Kontra droga ang pamagat
Kamaong naka-ngarat ang pabalat
Para sa kaayusan para sa kaunlaran
Para sa kapayapaan ano ba naman ang kamatayan
Ng mga salot na lango
Kayo nang bahala kung paano ang galaw
Matayog ang pangako mababa ang tanaw
Tira lang ng tira 'gang walang matira
Bubusalan ang mga mag bibida
Bala ang batas bala ang pitaka
Bala ang balitang di makilala
Ito'y digmaan ito ang pasinaya
Mga anak kayo ang makinarya
At sa pagsupil ng mga salot ng lipunan
'Wag nang alalahanin ang kanilang karapatan
Ang aking salita ang siyang magiging armas
Ang aking salita ang siyang magiging batas
Aking mga anak ipalaganap nyo ang utos ko
'Wag kayo matakot na malunod sa dugo
Ang aking salita ang siyang magiging armas
Sa aking salita walang makakaligtas
I prefer to shoot the in the heart or in the head
That's the end of problem
Mga bilin ni tatay himayin
Isalin at ibatay sa mga sasaklawin
Ng bawat kagawaran komisyon at ahensya
Nang magka-alaman ng hatian ng ebidensya
Este pwersa
Gawing reso gawing memo gawing utos
Clearing operations na hanggang maubos
Anong punto bulto-bulto lang ng puntos
May kita este quota at may panustos
Isasabuhay mga salitang pumapaslang
Nakatago sa mata ng publiko ang makinarya ng pagtokhang
Sa pagputok ng bariles tutugisin ang mamayan
'Di nila kailangan na malaman ang dahilan
Basta ba't barilin nyo nalang
Adik adik basta nasa listahan automatic ay adik
Isinulat ng mga nagmamasid
Ignorante man o ganid
Importante ang pulis may target
Mabisang mata
Kapit-bahay na binitawan na ang kanyang moralidad
Ginagamit na sila para ilag-lag
Ang kapwa sila-sila na nagtuturaan
Nagpapalakas kay itay kaya damihan nyong pumatay
Coordinate bago ma-terminate gawing baranggay ng bangkay
Droga ang kalaban pero tiyakin ang baril sa tao nakatutok
Dobol barrel sa bawat patak ng dugo kapalit ay piso
Isasabuhay mga salitang pumapaslang
Nakatago sa mata ng publiko ang makinarya ng pagtokhang
Sa pagputok ng bariles tutugisin ang mamayan
'Di nila kailangan na malaman ang dahilan
Basta ba't barilin nyo nalang
Memorandum circular
Hudyat ng aming pag galaw
Hahalug-hugin ang bawat sulok
Kahit na mag-tago'y lilitaw
Kalyeng madilim malagim di pansin
Ng mga nasa listahan na sila'y papaslangin
Parte ng mga kotang tatapusin
Palengke man o burol
Bilyaran sementeryo
Gamit ang matang nagmamasid
Markado na agad ang mga ulo
Si Kap ay nasabihan na
Wala nang pwedeng umalma
Target napalibutan na
Mga baril naka kasa
Sir may posibleng saksi
Mga anak at kanyang misis
Ano nga ba protocol natin
Wala naman sila sa drug watch list
Wag mo na intindihan yan
Trabaho mo'y gawin mo nalang
'Di mo ikaka-asenso
Saka wala silang bilang
Pinasok na ang bahay at ginapos na lahat ng pwedeng witness
Mukha ng target ay nasa sahig baril ang paglilitis (siya ba yan)
Pumapalag pa siya't tinatanggi ang pagiging adik
Taintim na nag-mamakaawa
Sir di naman ako