song lyrics / Joey Ayala / Usok lyrics  | FRen Français

Usok lyrics

Performer Joey Ayala

Usok song lyrics by Joey Ayala official

Usok is a song in Tagalog

Usok mula sa lalamunan ng bulkan
Nagsasabing may nagbabaga sa sinapupunan
Hindi mo ba maramdaman nanginginig ang lupang inaapakan mo
Ang dating 'di gumagalaw ngayo'y 'di na mapigil 'di na masugpo

Usok isinilang sa impiyerno't binitiwan
Sumasayaw-sayaw naglalakbay patungong kalangitan
Sinusumbong sa hangin ang umaalsang apoy sa katimugan
Taglay ang bahid na itim bandilang isinabit sa katahimikan

Hmm hmm hmm hmm hmm
Hmm hmm hmm hmm hmm

Hindi mo ba maramdaman nanginginig ang lupang inaapakan mo
Ang dating 'di gumagalaw ngayo'y 'di na mapigil 'di na masugpo

Usok sakay-sakay ng hanging amihan
Dala-dala'y aralin na galing pa sa kasaysayan
Ang taong nagpupunyagi aahon at aahon din sa kahirapan
Ang taong inaapi ay babangon at babangon din sa bukang-liwayway

Hmm hmm hmm hmm hmm
Hmm hmm hmm hmm hmm

Ang bayang nagpupunyagi aahon at aahon din sa kahirapan
Ang bayang inaapi ay babangon at babangon din sa bukang-liwayway

Usok mula sa lalamunan ng bulkan
Nagsasabing may nagbabaga sa sinapupunan
Usok mula sa lalamunan ng bulkan
Nagsasabing may nagbabaga
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Usok lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of the cross
2| symbol at the bottom of the suitcase
3| symbol at the top of the star
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid