song lyrics / Gary Granada / Pag Nananalo Ang Ginebra lyrics  | FRen Français

Pag Nananalo Ang Ginebra lyrics

Performer Gary Granada

Pag Nananalo Ang Ginebra song lyrics by Gary Granada official

Pag Nananalo Ang Ginebra is a song in Tagalog

Sinusundan ko ang bawat laro
Ng koponan kong naghihingalo
Sa bawat bolang binibitaw
Di mapigilang mapapasigaw

Kahit hindi relihiyoso
Naaalala ko ang mga santo
O San Miguel Santa Lucia
Sana manalo ang Ginebra

Ngunit ang aga nilang nagkalat
Bawat diskarte nasisisilat
Nagkasundo kaming magkakampi
Na ang labo kasi ng referee

Ang barangay parang napeste
Natambakan agad kami ng bente
Parang bansa'y nagkaleche-leche
At nareelect ang presidente

Pagbigyan nyo na ako
Paminsan-minsan lang ito
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan nyo na ako
Sa munting hilig kong ito
Kung hindi baka mag-away pa tayo

Nang 2nd half ay nag-umpisa
Nag-umpisa ang ratsada nila
Ipit na pukol ni Noli Locsin
Kahit finoul pasok pa rin

Ang double-team nila'y walang epekto
Sa alee hoop at alahoy ni Marlou
Sunod-sunod sa magkabilang kanto
3 points ni Hizon at Jarencio

Opensa ay nasasaling
Sa hustle ni Mackie at Benny Cheng
Halos ang bola ay di makatawid
Sa mga nakaw ni Flash David

Ang execution ay swabeng-swabe
Sa mga plays ni Coach Jaworski
Biglang umugong ang buong palibot
Mukhang maglalaro na rin si Dudut

Pagbigyan nyo na ako
Paminsan-minsan lang ito
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan nyo na ako
Kahit na kahit paano
Sumaya ng bahagya itong mundo

Tatlong minuto pa ang natitira
Nang kami ay nakahabol na
Sa isang iglap nagpalit ng score
Lamang na kami 99-94

Bumabalik sa aking isip
Ang manliligaw ko nuong Grade 6
Napapatawad ko na ang Alaska
Pag nananalo ang Ginebra

O kayganda ng aking umaga
Feeling ko wala akong asawa
At ang dati kong boyfriend ay hiwalay na
Pag nananalo ang Ginebra
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Pag Nananalo Ang Ginebra lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the bottom of the padlock
2| symbol to the left of the star
3| symbol at the bottom of the house
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid