song lyrics / Gary Granada / Pag-Ibig Lang lyrics  | FRen Français

Pag-Ibig Lang lyrics

Performer Gary Granada

Pag-Ibig Lang song lyrics by Gary Granada official

Pag-Ibig Lang is a song in Tagalog

Ako ang dulo at ikaw ang umpisa
Dal'wa ang dako ng landas nating dal'wa
Ika'y apoy ako ay tubig
Duda ko'y iyong pananalig
Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba

Ako'y maghapon at ikaw ay magdamag
Ika'y matapang kung saan ako duwag
Ang iyong huli ay siya kong una
Madali mo'y di ko kaya
At ang aking sige ay siya mong huwag

At pag tayo'y nag-uusap
Parang lupa't alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Sala sa ikli at haba
Parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong

Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya
Baka naman pag-ibig lang

At pag tayo'y nag-uusap
Parang lupa't alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Ang hindi ko mahagilap
Ang iyong laging nahahanap
Sa isa't isa ang isa't isa'y bugto

Minsan tuloy nalilingap natatangay
Sa piling mo'y wari lahat mayrong saysay
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya
Baka naman pag-ibig lang
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Pag-Ibig Lang lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the bottom of the smiley
2| symbol at the bottom of the calculator
3| symbol at the top of magnifying glass
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid