song lyrics / Gary Granada / Paano Mahalin Ang Katulad Mo lyrics  | FRen Français

Paano Mahalin Ang Katulad Mo lyrics

Performer Gary Granada

Paano Mahalin Ang Katulad Mo song lyrics by Gary Granada official

Paano Mahalin Ang Katulad Mo is a song in Tagalog

Di ko maikakaila ang pag-aalala
Na sa tuwi-tuwina'y dala-dala
Nangangamba nangangamba
Na baka mapahamak ka

Dapat sarilinin ko na lang
Kayrami-rami mong pasan-pasan
Baka lalo ka pang mabibigatan

Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko

Ang dinadaing ko'y para sa iyo
Ang unti-unting matutunan ko
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo

Di ko maikakaila ang pag-aalala
Ngunit di ba mas mahalaga
Ang dinggin ka intindihin ka
Samahan ka sa bawat pasya

Paano ba ako makakagaang
Paano ba ako makakatuwang
Paano kung ako ay nasasaktan

Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko

Ang dinadaing ko'y para sa iyo (paano ba ako makakagaang)
Ang unti-unting matutunan ko (paano ba ako makakatuwang)
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo

Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Paano Mahalin Ang Katulad Mo lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the top of the heart
2| symbol to the right of the bulb
3| symbol at the top of the camera
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid