song lyrics / Gary Granada / Ang Aking Kubo lyrics  | FRen Français

Ang Aking Kubo lyrics

Performer Gary Granada

Ang Aking Kubo song lyrics by Gary Granada official

Ang Aking Kubo is a song in Tagalog

Ang aking kubo sa tabindagat
Dingding ay pawid bubong ay nipa
Sa palibot may mga halaman
At bakod na gawang kawayan
Gayak ng kubo ay kalikasan
Ang kabukiran ang buwan at bituin
Pinapayungan ng punongkahoy
At iniihipan ng sariwang hangin

Sa aking kubo'y may paralumang
Sa aking puso'y nakalarawan
At sa pagtulog ay mayrong rosas
Na niyayakap ko't hinahagkan
Ang aking kubo'y dalampasigang
Sa along tulad ko'y inaasam-asam
Kubong kailanma'y di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig

Ganyan ang kubo ganyan ang buhay
Minsa'y tatawa ka minsa'y malulumbay
May pagdiriwang may kalungkutan
Laging nanunukso (nangungutya) ang kapalaran
May mga sandaling mistulang langit
Ngunit paggising pala'y panaginip
Kaya kailangang sa gabi't araw
Didiligin ang kubo ng pag-ibig

Sa aking kubo tuwing takipsilim
Lumang gitara'y aking kapiling
Mga awiting di malilimutan
Mga harana at mga kundiman
Ang aking kubong pangkaraniwan
Di man kastilyo ngunit paraiso
Kahit na mukhang bahaybahayan
Ang aking kubo'y isang tahanan

Ganyan ang kubo ganyan ang buhay
Minsa'y tatawa ka minsa'y malulumbay
May pagdiriwang may kalungkutan
Laging nanunukso nangungutya ang kapalaran
May mga sandaling mistulang langit
Ngunit paggising pala'y panaginip
Kaya kailangang sa gabi't araw
Didiligin ang kubo ng pag-ibig

Sa aking kubo'y may paralumang
Sa aking puso'y nakalarawan
At sa pagtulog ay mayrong rosas
Na niyayakap ko't hinahagkan
Ang aking kubo'y dalampasigang
Di man kastilyo ngunit paraiso
Kahit na mukhang bahaybahayan
Ang aking kubo'y isang tahanan

Kubong kailanma'y di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Ang Aking Kubo lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the left of the camera
2| symbol at the top of the cloud
3| symbol at the top of the smiley
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid