Batugan is a song in Tagalog
Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat
Imbis mag-banat ng buto
Nag-unat ng butong may kasamang hikab
Ganun katamad
Sa bayabasan ka magaling mag-abang ng malalaglag (ahah)
At nagtataka ka pa kapag sa bulsa mo wala ka nang nakakapkap
Clap clap clap
Ang hilig mo sa teka muna
Kaya imbis salapi ang nakuha mo muta
Punto ko sana makuha
Na baka sa kakahiga mo ay jan ka ma-kuba
Anong misyon mo sa lupa magpatigas ng batuta
Paramihin ang populasyon
Ganyan ba talaga pag walang ambisyong mataas 'di nalulula
Buti pa tupa napapastol
Ikaw puro angas tol
Halatang nagpapanggap pag nasa labas ng door
Iba-ibang palabas kaya madalas mag mall
Akala mo lang nakakahabol kana pero 'di ka pa pala nakaka-score
'Di lang pala yung tulog yung pwedeng may mapanaghinipan (pati gising)
'Di rin pwede na lahat ng gusto idaan sa hilingan (di pepwede)
Pag may nahiligan 'di madalian 'di madali yan (di madali)
Ba't di pag igihan sige ika'y mag-pursige kasi 'di pa huli
Pero sa'yo yan naka dipende
'Di yung nakabase ka sa swerte
'Di laging pu-pwede na yung pwede lang
Kung pwede nga isipin na walang bagay na hindi pwede
Syempre 'di araw araw abente-singko ng desyembre
Darating at darating ang peste
Yan ang dapat mong pag handaan
Kasi buti pa yung leche flan ay may plano kahit letche
Akala ko ayaw mo ng de-lata (akala ko)
Pero lagi kang nakahilata (baket)
Akala ko ayaw mo tumunganga (akala ko)
Pero inuuna mo bunganga
Akala ko gusto mo ng biyaya (woh)
Pero lagi kang nakatihaya( dang)
Sarili mo din ang dinadaya (yoh)
Kasi sa katamaran mo siya niyaya
Yo yo
Dapat kasi 'di ka pumapayag (uh uh)
Ikaw din naman ang mahihirapan (prit paw)
Tyaka ikaw din ang manghihinayang
Sa masasayang
Hoy batugan'di kapa mayaman wala ka pang matabang wallet
Bakit 'di ka makabangon baka
Bakal na muka mo tapos unan mo naman magnet
Pahiga-higa lang sa higaan
'Kala mo biyaya sa iyo ang kusang lalapit iba ka hanep
'Di nagpa-panic sanay ka bang walang budget
O sadyang wala ka lang target
Yung iba namang mga tamad ay meron din kakaibang mindset
Kaso lang hindi natin alam
Kung utak ba talaga nila ang ginagamit o gumagamit
Pag walang-wala at pagka kailangan ay sa patalim kumakapit pag walang arep
Sige ang dale sige ituloy mo pa pare hanggat hindi kapa sumasabit
Sana malabanan mo sarili mo nasanay na na puro ka hingi (puro ka hingi)
Alam mo naman siguro sa sarili mong hindi yan nakakabilib
Tapos siya pa yung galit sayo sapilitan
Yun naman ang 'di ko maintindihan
Tipong imposibleng 'di mo din kainisan
Kahit paulit-ulit mo pa sige-han mali kana
Kahit na isang beses mo lang hindi-an
Sa mga naririnig mo sana naka tutok ka
Para matuto kanang sira ulo ka
Ang sakit mo na sa ulo kase baka yung sakit mo nga ay nasa ulo na
Pag 'di ka kumilos ay hindi ka tutuka
Kapag hindi ka ngumuya ng ngumuya mabuhulunan ka naman
O 'di kaya bibig naman ay bubula
Kasi hind to labanan ng patigasan ng muka
Kaya matuto mahiya