song lyrics / EZRO / Lumuhod Ka Sa Lupa lyrics  | FRen Français

Lumuhod Ka Sa Lupa lyrics

Performer EZRO

Lumuhod Ka Sa Lupa song lyrics by EZRO official

Lumuhod Ka Sa Lupa is a song in Tagalog

Pababagsakin ka nila
Papahirapan ng mga makapangyarihan
Lalo ‘pag nasa baba ka nila
Para ka lang langgam madali na tapakan
Hihilahin ka nila hanggang mawalan ng pag-asa at makakapitan
Gan’to na ba ang kapalaran ng bawat isa

Ako ay maninindigan para sa lahat
Kahit na alam ko na ang hustisya ay mailap
‘Di mapipigilan, ‘di titigilan
Ilalaban ko pa rin hanggang wakas

Hindi ko isusuko (para sa lahat)
Kahit na malabo pa (may ganti na katapat)
Hindi ko isusuko
Papaluhurin ang nang-aapi
Ipaglalaban kita hanggang sa huli

Gustong mangarap hindi para sa sarili
Kundi para sa iba
Kahit mahirapan na gawin sa lipunang puro sakim
Pinipilit ko pa rin na abutin

Dahil ang bilin ni nanay
Panatilihin ang dangal ipaglaban ang buhay ng sino man
Kaya ‘di ka pababayaan ipaglalaban
Hahawakan ang kamay

Ako ay maninindigan para sa lahat
Kahit na alam ko na ang hustisya ay mailap
‘Di mapipigilan, ‘di titigilan
Ilalaban ko pa rin hanggang wakas

Hindi ko isusuko (para sa lahat)
Kahit na malabo pa (may ganti na katapat)
Hindi ko isusuko
Papaluhurin ang nang-aapi
Ipaglalaban kita hanggang sa huli

Hanggang kailan ba natin hihintayin ang batas na dapat maging patas
Madalas kapalit salaping madumi kailan ba ‘to magkakalunas
Pero kahit na gano’n pinili pa rin lumugar at lumaban na patas
Naniniwala pa rin sa paggising ko ay palaging may bago na bukas

Para sa pera babaliktarin ka nila at wala ka nang maaasahan
Mga mata ay nagiging bulag at papaikutin ka sa mga palad
Nakatakip ang tenga na tila bingi ang lahat ng may kapangyarihan
Pero andito ako at lalaban para sa ’yo ‘di ka papabayaan

Kahit sino ay papalagan, aabangan
Huwag ka lang nila masaktan
Handa ko na kalabitin ang gatilyo
Para lamang sa iyo hindi ako mag-aalangan
Kahit na malayo ang pagitan nating dalawa
Estado natin magkaiba
‘Di mapipigilan ng kahit na sino
Basta makita kayong masaya

Alam ko na madaming pagsubok ang dadaan
Kahit na kamatayan man sa atin nakaabang
Kaya ‘di ka pababayaan, ipaglalaban
Hahawakan ang kamay

Ako ay maninindigan para sa lahat
Kahit na alam ko na ang hustisya ay mailap
‘Di mapipigilan ‘di titigilan
Ilalaban ko pa rin hanggang wakas

Hindi ko isusuko (para sa lahat)
Kahit na malabo pa (may ganti na katapat)
Hindi ko isusuko
Papaluhurin ang nang-aapi
Ipaglalaban kita hanggang sa huli
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Lumuhod Ka Sa Lupa lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of the smiley
2| symbol at the top of the target
3| symbol at the top of the calculator
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid