song lyrics / Davey Langit / Oryang lyrics  | FRen Français

Oryang lyrics

Performer Davey Langit

Oryang song lyrics by Davey Langit official

Oryang is a song in Tagalog

Hindi tayo nagkasabay sa daan
Upang sa dulo ay maghiwalay
Hindi nagpalitan ng kuwento't sa dulo
Sa katahimikan lang huhumpay

Hindi kailanman mauubusan ng salita
Upang gawin kong kanta at tula
O maging ang bulong at buntong hininga
Nagsasabing ikaw lang sinta

Ang tanging tinatangi iibigin hanggang huli
At ang aking lagi-lagi ng dalangin naririnig sa itaas
Hindi ko man hawak ang bukas
Pangako ko hanggang wakas
Mahal ko ikaw ang tahanan ng puso ko

Hindi ka niyakap nang pagkahigpit
Upang sumagi sa iyong isipan
Nasa pagkalas ng mga braso ko
Sa'yo ay maramdaman mong ika'y mag-isa
Loobin man ng dakilang lumikha
Na pansamantala tayong magkawalay
Tandaan mo
Ang puso ko'y sayo
At sa tuwina'y ikaw

Ang tanging tinatangi
Iibigin hanggang huli
At ang aking lagi-lagi ng dalangin naririnig sa itaas
Hindi ko man hawak ang bukas
Pangako ko hanggang wakas
Mahal ko ikaw ang tahanan ng puso ko

Hindi ako bumati sa panimula
Upang sa huli magpaalam lang
Mahal ko ikaw ang tahanan ng puso ko
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Oryang lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the left of the trash
2| symbol to the left of magnifying glass
3| symbol to the left of the bulb
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid