song lyrics / DOROMAL / Ibalik Mo Ako lyrics  | FRen Français

Ibalik Mo Ako lyrics

Performers DOROMALRodel Naviamos Doromal

Ibalik Mo Ako song lyrics by DOROMAL official

Ibalik Mo Ako is a song in Tagalog

Hook...
Ibalik mo ako sa unang pagkakamali
Sa unang pagkakadapa dahil sa pagmamadali
Unang sampal, ng realidad na hindi madali
At imposible kong makuha lahat ng minimithi
Pighati na bumura sa inosente kong ngiti
Unang pagkatalo ko at unang pagpupunyagi
Salamat sa lahat ng aral na syang sakin nagpatibay
Karanasan kung bat nagpapatuloy pa sa buhay

1st verse:
Ibalik mo ako sa panahong ako ay bata pa walang alam sa mga bagay at kamunduhan
Kamusmusang lubos ang syang mukha
Kahit kapos pa sa karangyaan
Bagkus hangad lang
Oras ay madugtungan
Makapaglaro kahit abutin pa ng takipsilim
Makulay bawat araw sa mata'y koy tanging sining
Imaheng naglalarawan sa labi masisilayan
Sa bawat pagngiti ay bumabakas ang kasiyahan
Ibalik mo ako sa panahong hindi ko pa alam kahulugan ng salitang problema di ramdam.
Walang pakialam sa baha nagtatampisaw
Walang iwanan naging pangako at maging sigaw
Ninyong magkakababatang kala'y dun lang umiikot
Ang mundo'y ganun kasimple, panong may makakalimot
Sa lahat ng nabuo nyong mga gintong sandali
Pag sumagi sayong isip panong di ka ngingiti

Hook...
Ibalik mo ako sa unang pagkakamali
Sa unang pagkakadapa dahil sa pagmamadali
Unang sampal, ng realidad na hindi madali
At imposible kong makuha lahat ng minimithi
Pighati na bumura sa inosente kong ngiti
Unang pagkatalo ko at unang pagpupunyagi
Salamat sa lahat ng aral na syang sakin nagpatibay
Karanasan kung bat nagpapatuloy pa sa buhay

2nd verse:
Ibalik mo ako sa panahon na kung san unang
Natutunang sumuway, at sumagot saking magulang
Nagkulang sa paggalang dulot ng pagaakalang nalalalamay sapat upang tumayo saking paanan
Ibalik mo ako kung kelan unang tumibok
Kung pano sa unang pagamin ko ang boses pumiyok
Nililok ang nadarama sa puso na bubot
Masasaktan ka bago pa tuluyang mahinog
Ibalik mo ako sa aking unang kabiguan
Yung pinili mong ibigin ikaw ay tinalikuran
Napaligiran ng mga akala mong kaybigan
Nung nagkagipitan ay agaran kang kinalimutan
Ibalik mo ako sa gabi ng unang tikim
Ng alak at ng sigarilyo sa taas himihiling
Mapawi ang lahat ng sakit na dinadaing
Nagiwan ng pilat kahit yung sugat gumaling

Hook...
Ibalik mo ako sa unang pagkakamali
Sa unang pagkakadapa dahil sa pagmamadali
Unang sampal, ng realidad na hindi madali
At imposible kong makuha lahat ng minimithi
Pighati na bumura sa inosente kong ngiti
Unang pagkatalo ko at unang pagpupunyagi
Salamat sa lahat ng aral na syang sakin nagpatibay
Karanasan kung bat nagpapatuloy pa sa buhay

3rd verse
Ibalik mo ako sa panahong noong akala
Nila na tila ang tulad koy wala na ngang pag asa
Laging bahala na at madalas kung magkasala
Suntok sa tala magbago kayhirap maniwala
Yan ang akala nila hanggang saking makilala
Sa pasilyong madilim yung merong hawak na kandila
Nagturo ng daan upang liwanag ay makita
Na mas kilala kung tawagin din nilang bathala
Ibalik mo ako sa panahong umiiyak at
Magisa na binubuhat laban kong hinaharap
Upang sabihin sa kanya na magpakatatag
Wag sumuko sa ngayon ay nagbubunga na lahat
Ng sakrepisyo nya at hirap, puyat, pagsusumikap
Tinatamasa na kapayapaang hinahanap
Salamat sa patuloy na paglaban mo noon
Utang ko sayo Lahat kung nasaan ako ngayon

Hook...
Ibalik mo ako sa unang pagkakamali
Sa unang pagkakadapa dahil sa pagmamadali
Unang sampal, ng realidad na hindi madali
At imposible kong makuha lahat ng minimithi
Pighati na bumura sa inosente kong ngiti
Unang pagkatalo ko at unang pagpupunyagi
Salamat sa lahat ng aral na syang sakin nagpatibay
Karanasan kung bat nagpapatuloy pa sa buhay
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Ibalik Mo Ako lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the top of the television
2| symbol to the left of the star
3| symbol to the left of the padlock
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid