KKK - Kasangga, Katuwang, Karamay is a song in Tagalog
Ako ang sasalubong sa iyong pagmulat
Nawa'y mapayapa ang 'yong pag hikab at pag inat
Kamakailan ang mga ulat ay nakakagulat
Lam kong mahirap ngunit andito lang ako para sa'yo
Suliranin mo man ay mabigat
Lilipunin ko lahat ako na'ng magbubuhat
Ang gagawa nya'y ako lang wag kang ma okatokat
Sapagkat andito lang ako para sa'yo
Daming rason para sumuko pero 'di kita bibitawan
Ngayon pa ba 'ko manlulumo sa pagkakaibigang nasimulan
Ika nga satin buntot ang isa't isa kasangga sa lahat ng problema
Lalaban ka't pati ako parehas nating kaya 'to
Sabay nating lampasan ang hamon ng mundo
Kaibigan saglit lang oo ikaw bago mo gawin yan
Mag balik tanaw (hindi ka nagiisa)
Hugutin mo ang magagandang ala-ala
Maraming oras pang natitira wag mabahala
Ako ang kasangga katuwang at karamay mo
Ako ang kasangga katuwang at karamay mo
Andito ako asahan mo
Kahit subukang pumikit ako ang 'yong makikita
Asahan mo
Ikaw ay iingatan gagaan din lahat ng mabibigat
Kung 'di ka mahirapan padadama sayo na masarap
Ang yahub at kailangan mong madapa pre pang bumangon muli wag paapi
Subukan mo
Daming rason para sumuko pero 'di kita bibitawan
Ngayon pa ba 'ko manlulumo sa pagkakaibigang nasimulan
Ika nga satin buntot ang isa't isa kasangga sa lahat ng problema
Lalaban ka't pati ako parehas nating kaya 'to
Sabay nating lampasan ang hamon ng mundo
Kaibigan saglit lang oo ikaw bago mo gawin yan
Mag balik tanaw hindi ka nagiisa
Hugutin mo ang magagandang ala-ala
Maraming oras pang natitira wag mabahala
Ako ang kasangga katuwang at karamay mo
Kaya wala naman ding mangyayare kung 'di mo'ko tutulungan
Walang silbi ang hatak ko kung 'di mo'ko sinasabayan
Oo sa mundong nakakaloko alam kong duda ka sa mga tao
Tandaan mong andito ako't tunay sa'yo
Kaibigan saglit lang oo ikaw bago mo gawin yan
Mag balik tanaw hindi ka nagiisa
Hugutin mo ang magagandang ala-ala maraming oras pang natitira
Wag mabahala ako ang kasangga katuwang at karamay mo
Kaibigan saglit lang oo ikaw
'Di man madali ang magpigil ng hiyaw ng lungkot at pangangamba
Tingin sa gilid dahil ako'y iyong kasama
Punasan ko ang luha mo at ngumiti ka muna
Ako ang kasangga katuwang at karamay mo
Kasangga katuwang at karamay mo