song lyrics / Bianca Denise / Ihahatid lyrics  | FRen Français

Ihahatid lyrics

Performer Bianca Denise

Ihahatid song lyrics by Bianca Denise official

Ihahatid is a song in Tagalog

Masyado pang maaga para
Sabihing ang puso ay kalmado na
Nawala na ang mga bumabagabag
Nakikita mo ba sa ’king mga mata

‘Di naman hiniling ang pagdating
Kaya’t salamat kung mananatili
Sa aking munting mundo
Na ‘di man payapa
‘Di rin magulo

Kung aalis ka na’y ihahatid pa kita
Kung mananatili’y yayakapin ka
‘Di pa ba halata sa kilos ko’t salita
Paano ba kung ayaw kitang mawala

Kay gandang makita na
Ang puso ay nag-aabang sa ’yo
Kasama ka sa paghakbang
Binubura lahat ng aking takot

Kung ito man ang huli
Sana’y ‘di magkamali
‘Wag ka nang lalayo
Tangayin man ng alon
Itataya mo ba ang puso mo

Kasi kung aalis ka na’y ihahatid pa kita
Kung mananatili’y yayakapin ka
‘Di pa ba halata sa kilos ko’t salita
Paano ba kung ayaw kitang mawala

Ang takot ng nakaraa’y kakalimutan na
Sa yakap mo’t halik ako’y mananatili na
‘Di na kailangan pang sa akin ay magduda
‘Pagkat mahal, hindi na kita pakakawalan pa

Kung aalis ka pa, ang hawak ay hihigpitan
Kung mananatili, aalagaan ka
Kung ‘di mo mahalata sa kilos ko’t salita
Hinding-hindi ko kaya ‘pag ika’y mawala
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Ihahatid lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the left of the television
2| symbol at the bottom of the calculator
3| symbol to the left of the thumbs up
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid