Ilusyon is a song in Tagalog
Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Ilang dekada na ba?
Nakapagtataka na,
Wala pa ring pagbabago napagkatagal na
Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa
pagtakpan ang matagal nang halatang halata
Palakihan ng lote, paramihan ng kotse
Para di mangamote, bayanihan ang konte
Matapobre, talagang plastikan ang forte
Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte
Sakit ng lipunan kayo ang ebindensiya
Sakit, oo pero ngayon ay epidemya
At sa Pilipinas ang mga elektibo
Nagpapakabiboat hindi epektibo
Puro salita, pero ni wala man lang pruweba
Nagpapakapropeta para walang protesta
Sa nakaraang problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon?
Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Walang nakaisip ng nasa paligid
Mabaho, madumi at kadalasan mainit
Tambakan ng basura kahit na saang gilid
Natrapik para bang kada kalsada makitid
Laganap na kotongan, sus Maria
Mga drayber tingin sa kanilang bus tamiya
Bayarang kababaihan para boobs makita
Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita
Kapag umulan, wag susubukang bumiyahe
Madalas na pagbaha may lumulutang na tae
Sandamukal na problema pupuhunan daw sabe
Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyare!!
Ngayon sabihin nyo kung nasa'n dyan ang pagbabago
Baka nakasalamin ako pagkataas ng grado
Kasalukuyang problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon
Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Maraming mga kababayang habambuhay na pagod
Pagkat hanap nang hanap ng hanapbuhay sa abroad,
IIwan ang pamilya para ang tagumpay maabot
Nakakaumay ang sagot kaya ako ay nayamot
Di kayo makapagbigay ng mga trabaho
Kaya di dapat kinailangan na mangako
Sa'n ang pagbabago? Taray naman!
Imbes na magbagong buhay, bagong bahay na lang!
Habang maraming nagugutom at walang matirhan
At abot kaya na gamot wala man lang mabilhan
Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan
Kayo ang boses ng taong di nyo kayang pakinggan
Magandang kinabukasan naorasan ko yon
Di ba dapat ngayon ang kinabukasan noon?
Kinabukasan na problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon?
Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag na wag!
Wag na wag!