song lyrics / ASOP / Ikaw Panginoon lyrics  | FRen Français

Ikaw Panginoon lyrics

Performers ASOPJay-R Siaboc

Ikaw Panginoon song lyrics by ASOP official

Ikaw Panginoon is a song in Tagalog

Ang buhay ko noo’y walang kabuluhan
Lugmok sa mga bagay ng sanlibutan
‘Di batid ang daan ng katotohanan
Puso’y ligaw binulag ng kalayawan

Sa awa mo’y tinawag sa iyong bayan
Karumiha’y nilinis at hinugasan
Hinubog ng aral mo na madalisay
Pagkalalang ko ay nagkaroong saysay

Ikaw Panginoon
Ikaw ang aking kailangan
Tanglaw sa isip at pusong nadirimlan
Aliw sa bawat hirap at kalungkutan
Pag-asa sa buhay na walang hanggan

Bawat hakbang katuwiran mo’y aking gabay
Bigay mong espiritu’y umaakay
Sadyang dakila ka aking Ama
Maawaing lubos sapat mapagpala

Ikaw Panginoon
Tanging moog ko at sandigan
Tanglaw sa isip at pusong nadirimlan
Aliw sa bawat hirap at kalungkutan
Pag-asa sa buhay na walang hanggan

Papuri ay laan lamang sa iyo Ama
Bibigkasin na may ligaya
Aawitan at sasambahin tuwina
Tanging ikaw ang yuyukuran

Ikaw Panginoon
Ikaw ang aking kailangan
Tanglaw sa isip at pusong nadirimlan
Aliw sa bawat hirap at kalungkutan

Ikaw Panginoon
Tanging moog ko at sandigan
Tanglaw sa isip at pusong nadirimlan
Aliw sa bawat hirap at kalungkutan
Pag-asa sa buhay na walang hanggan

Pag-asa sa buhay na walang hanggan
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Ikaw Panginoon lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of the smiley
2| symbol at the bottom of the thumbs up
3| symbol to the left of the target
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid